GOV. ROQUE B. ABLAN SR. MEMORIAL ACADEMY
SOLSONA,ILOCOS NORTE
MGA
TINATANGKILIK
NA PISTA SA
PILIPINAS
INIHANDA NINA
ALYSSA YSABEL DEQUENA
PRINCESS AGNGARAYNGAY
GEM CARLO JUAN
CLIFORD DOMINGO
IPAPASA KAY:
BB. ARVIN MAY RAMOS
OCTOBER 14,2019
Ang pista ay mula sa Espanyol na “fiesta”, ay isang malaking pagdiriwang bilang paggunita sa isang mahalagang araw, karaniwang sa kaarawan ng patron ng baryo o bayan. Bahagi ng pagdiriwang ang prusisyon, parada, paligsahan at palaro, sayawan, kainan, programang kantahan, palabas na dula, at pagnonobena sa ngalan ng patron na ipinagdiriwang
Ayon sa kasaysayan ang pista ay bahagi ng sinaunang pasasalamat para sa pangangalaga ng mga diwata at espiritu ng mga ninuno. Isinalin ito ng mga Espanyol sa pagdiriwang ng mga santo’t santang patron ng Simbahan. Tradisyonal na gawain pang pista noon ang misa, nobena, prusisyon at handaan. Nagdagdag na kasiyahan ang mga parada, palaro at palabas. Tinangka itong ipagbawal dahil magastos para sa isang bansang naghihikahos ngunit hindi nasawata.
Naging kasangkapan ang pista sa patuloy na pag-iingat ng tradisyonal na dulang komedya, tradisyonal na pagkain, laro, at sining, at ibang kaugalian ng Filipino. Naging pang-akit naman ngayon sa mga turista ang ini-imbentong sayaw panlansangan (street dancing), na nilalahokan ng mga barangay at institusyon sa bayan at isinasama sa parada
Maraming pista ang nagaganap sa Pilipinas. Ang mga sikat na pista ay pista ng Santo Niño, pista ng Maskara at iba pa. Sa panahon ng pista, ang bayan ay naghahanda ng pagkain at parada. Para sa mga Pilipino, iton ay panahong ng kasiyahan at galak.
Ang unang pista sa Pilipinas ay nagaganap noong panahon ng Kastila. Ang mga pista noon ay karaniwang tungkol sa relihiyon dahil sa impluwensiyang Kastila. Tatlo ang dahilan kung bakit nagaganap ang pista. Ang una ay bilang pagpapasalamatsa mga kanilang patron o santo dahil sa magandang ani o mabuting nangyari sa bayan tulad ng pista. Ang pangalawang dahilan ay bilang ipakita ang sariling kultura o gawain nila tulad ng pag-gawa ng mascara o paglalagay ng pintura sa katawan. Ang huling dahilan ay mga anebersaryo ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng mga bangon ng lungsod o bayan. Dalawa ang katangian ng mga pista: napakaraming pagkain at malikhain na dekorasyon. Nagkakaroon rin ng mga parada at prusisyon. Ang lahat na ito ay nagpapakita ng debosyon ng mga Pilipino sa pagdiwang ng mga pista.
Talagang simbolo ng ating kultura ang bilang Filipino ang mga pista. Sa mga pista, ipinapakita ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa larangan ng pagkain, pagsayaw, musika, at sining. Kahit na tungkol sa relihiyon o kultura ang pista, binibigyan natin ang lahat para makompleto ang karanasan ng isang pista. Ang kasiyahan at pagsasalamat ay punong dahilan ng pista at kultura natin bilang Pilipino. Kung wala ang mga pista magiging kulang ang kultura natin.
ATI-ATIHAN
FESTIVAL
I Pinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong lingo ng Enero,kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo,Aklan, bilang pagdakila sa Santo Nino, nagpapahid ng uling saa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol ng waring nagsasagutan sa himig ng “HALA,BIRA!”. Makikilahok ang boung bayan sa pista, magbabahagian ng pagkainat inumin, at isang linggo ng malalago ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtagpo ng mga katutubo at ng mga kristiyanong mananako,at ang pagsamba sa Santo Nino na maliit na hinihingian ng milagro.
SINULOGFESTIVAL
Alay ito sa Sto.Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradisyonal na nagtutungo sa Cebu upang magbibigay ng pasasalamat at dasal sa mga turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio carnival at Mardigras ang tema ng pista ito.Taliwas sa paniniwalang ang Sinulog ay dala ng mga Kastila, ang Sinulog ay pinagdiriwang na ng mga sinaunang Cebuano bago pa man dumtating ang mga Kastila. Bago dumating ang mga Kastila mga anito ang isinasayaw sa Sinulog imbes na ang ngayo’y imahe ng mahal na Santo Niño. Ang makasasayang pagbibigay ni Magellan ng imahe ng Santo Niño sa kabiyak ni Rajah Humabon na si Reyna Juana, ay isa sa mga pinaka unang simbolo ng pagtanggap ng relihiyong katoliko sa Pilipinas. Ang sinulog ay mula sa wikang Cebuano na ang ibig sabihin ay “ tulad ng agos ng tubig”. Ang kasalukuyang urong-sulong na sayaw sa saliw ng tambol sa Sinuloig ay base padin sa sinaunang pagdiriwang at parada sa ilog ng Mactan. Tuwing Enero, ang Cebu ay nagiging pangunahing destination ng local na turismo at maging ng mga turista mula sa ibat-ibang bansa upang dumalo sa makulay na kasiyahang pista ng Sinulog.
DINAGYANGFESTIVAL
PINAGBENGA FESTIVAL
|
Ang pista ng Pinagbenga o ang Baguio na idinaraus sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki ditto ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayaman na kultura nila kung kaya’t ita ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang Pinagbenga ay nangangahulugang, “Panahon ng Pagyabong o Panahon ng Pamumulaklak”.Tatak nito ang magarbong kaayosan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pag-ayos ng bulaklak, maningning na pagsabok ng mga paputokat iba pa.
PAHIYAS FESTIVAL
Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil sa masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro Labrador. Ang selebrasyon ay kalimitang isinasagawa sa pamamagitan ng isang prosisyon ng imahe ni San Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay sa bayan ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, ‘pako’ at ‘kiping’ na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan. Maraming bayan sa Pilipinas ang nagdiriwang sa nasabing pista , pero ang Tanda Festival sa Bohol at ang Pahiyas sa Quezon ang dalawa sa mga pinakatanyag. Pagtungo ng Mayo 15, isa pang selebrasyon para kay San Isidro Labrador ang sisipa sa Lucban,Quezon. Nagsimula ang tradisyon ng Pahiyas sa isang pasasalamay ng mga ninuno ng mga taga-Lucban sa mga anito. Nagtitipon-tipon sila sa isang “tuklong” o maliit na bahay kung saan magpupugay sila sa kanilang mga diyos at magsasalo-salo upang masiguro ang masaganag ani sa susunod na taon.
PINTADOS FESTIVAL
TUNA FESTIVAL
Ang Masskara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa boumg Pilipinas, una itong ginanap bilang panghalili sa kinagawian ng pagdiriwang na kinatatampukan ng parada ng mga military, pagkilala sa ilang mga piling personalidad at mga programang musikal tuwing anibersaryong pagkakatatag ng naturang lungsod. Nagsimula ito noong panahon ng krisis sa naturang bayan. Ang Masskara ay mayroong dalawang kahulugan, una, ito ay resulta ng pinagsamang Ingles na salitang “mass” na ang ibig sabihin ay “marami” at Espanol na salitang “kara”, na nangangahulugang “mukha”. Masskara rin ang local na tawag sa salitang “mask”, na itinuturing ngayong isang malaking parte ng pagdiriwang. Nag-umpisa ang konsepto ng pagsasama ng mga salitang “mass” at “kara” sa dating presidente ng Asosasyong Pansining ng Bacolod na si Ely Santiago, na simuportahan naman ng dating taga pangasiwa sa turismo sa bayan na ni Romeo Geocadin, dating puno ng Kagawaran ng Turismo sa Negros Occidental na si Atty. Evelio R. Leonardia. Ipinagdiwang ang unang Maskara Festival noong 1981 mula sa isang konsepto. Ang pagdiriwang ay itinigil makalipas ang tatlong taon ngunit dahil na rin sa pagsisikap nin Leonardia, ang malaking suporta ay kalap mula sa gobyerno at mga pribadong sektor para maipagpatuloy ang pagdiriwang taun-taon.
HIGANTES FESTIVAL
Ang Higantes Festival na kilala rin sa tawag na pista ni San Clemente ay pinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono,Rizal. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang para kay San Clemente, patron ng mga mangingisda. Ang imahe ng Santo ay binibitbit ng mga lalaking deboto habang nagpuprusisyon kasabay ng mga “pahadores”, (mga deboto na naka damit ng makukulay na kasuotan ng mga mangingisda, sapatos na yari sa kahoy at may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit sa pangingisda) at mga “Higantes” (mga higanteng gawa sa papel na may taas na umaabot sa sampu hanggang labindalawang talampakan). Natatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon patungong Laguna De Bay hanggang maibalik ang imahe ng santo sa parokya.
MORIONES FESTIVAL
Ang pista ng Mariones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Marion ay nangangahulugang “masskara”, na parte ng armor ng romano na ipinantatakip sa mukha noong panahon ng Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay longhino, ang isang linngong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa araw ng lunes santo at nagtatapos sa pasko ng pagkabuhay. Ang Moriones ay isang taunang pista na gianaganap tuwing Mahal na Araw sa pulo ng Marinduque,Pilipinas. Sa Mriones, nakadamit at naka mascara ang mga tao bilang mga sundalong Romano ayon sa nasaad sa Bibliya sa kwento ng pagpapasakit ni Hesus. Naging inspirasyon ang Moriones or “Moryonan” para gumawa ng iba pang mga pista sa Pilipinas kung saan ang mga pang-kailanganggawi ay nagiging pista sa lansangan . Hango ang salitang Moriones mula sa “salakot” noong ika-16 at ika-17 siglo na “morion”.
KADAYAWAN FESTIVAL
BANGUS FESTIVAL
Ang Bangus festival ang isa sa pinakaaabangang pista sa Norte at itinuturing na pinakamalaki at pinakamakulay na sselebrasyon na nagtatampok sa kultura at pangunahing produkto ng Dagupan City. Ang taunang selebrasyon ng Bangus Festival ay ginaganap tuwing summer at ngayong taon ay sinimulan ang pista ng Abril 6 at tatagal hanggang Abril 30 na may iba’t-ibang aktibidad na tampok ang ipinagmamalaking produkto ng Dagupan, ang bangus. Kabilang din sa mga aktibidad sa Bangus Festival ang Bangusine Bangus International Cuisine Showcase na nilalahokan ng ilang dayuhan.
PISTA NG ITIM NA NAZARENO
Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila. Dinudumog ng mga tao ang santong pantron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1880 ng Ordeng Recoletos at itinanatmpok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda. Ang estatwa ng itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na ka-singlaki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztecna karpintero at binili ng isang paring taga Mexico noong panahon ng Galleon tTrade. Ang mga deboto ng itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes.
MAGAYON FESTIVAL
Ang pista ng Magayon ay isang pagdiriwang na ginaganap taon-taon tuwing Mayo bilang isangagaala-ala sa Alamat ng Bulkang Mayon. Ang pistang ito ay nagsimula sa pamghalang magayon na ang ibig sabihin ay maganda sa tagalog. Ang selebrasyong ding ito ay bilang pagbibigay pagbibigay parangal kay Nuestra Señora de la Poteria, ang patron ng Daraga. Ito ay isang maalamat, makasaysayan at relihiyosong pagdiriwang ng naglalayong buhayin ang kultura ng mga mamamayan ng Daraga,Albay.
BINATBATAN FESTIVAL
Pagkakaisa at pagtutulungan– dalawang salita na nagigigng tema ng mga mamamayan sa tuwing darating and pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang bayan. Masarap ang pagkain, iba’t-ibang kulay ng mga palamuti, may mga patimpalak ng kagandahan sa mga dalaga o di kaya patimpalak sa damihan ng pera para sa mga kokoronahang mga reyna ar prinsesa, gabi-gabing walang puknat na sayawan sasaliw ng musika sa mga orkestraat mga musikang galing sa mga nagrerekoridang mga banda. Ang mga iyan ay karaniwang masasaksihan ng balana sa tuwing ipinagdiriwang ang mga kapistahan ng mga bayan.
Ang pagdiriwang ng pista ay kulturang namana natin sa pananakop ng mga Kastila sa ating bansa . Sa likod ng pagdiriwang ay ang pananaligsa Poong Lumikha ng nagbibigay karangyaansa mga mamamayan kaya may mga patron o poon na na dinadakila. Ilang siglo ang mga nagdaan na ganito iyong kulturang nakagisnanhanggang sa nagbago ito sa pang-ekonomiyang pananawng mga pinuno ng mga bayan. Sa ngayon ang pista ay hindi lamang nakatuon sa mga patron , bagkus iba’t-ibang mga produkto ang binigyan ng promosyon sa mga bayan upang ang mga ito ay makilala sa buong mundo. Salamat sa Departmen of Trade ang Industry (DTI) sa kanyang inilunsad na “one town, one product” (OTOP) noong taong 2000.
Sa taong 2017, sunod-sunod ang mga bayan na nagdiriwang ng kanilang kapistahan. Sabay ang bayan ng Villasis at Pozorrublo sa buwan ng Enero ay ang “Kambing Festival at Patupat Festival” ayon sa pagkakasunod. Sa Pebrero ay ang “Kamibing (Goat) Festival” sa Balungao at “ Sigay Festival” sa Binmaley at susundan sa bjuwan ng Marso ng “Mais (Corn) Festival” sa bayan ng Sto. Tomas at “Dumayo Festival” naman sa siyudad ng Urdaneta. Sa Abril magdiriwang ang Asingan ng “Kankanen (Rice Cake) Festival” at “Mango at Bamboo Festival” naman sa siyudad ng San Carlos. Iba’t-ibang produktong mga bayan ang binigyan pansin sa mga susunod pang buwan.
Nag-iba na ang pananawng mga mamamayan sa pagdiriwang ng pista. Bagamat nandiyan pa rin yung pagdiriwang ng kaakibat ng mga santong patron, ang kaunlarang pang-ekonomiya naman ang kaakibat ng mga produktong binigyan ng promosyon. Marami ang nagbibigyan ng hanapbuhay sa mga ganitong pagdiriwang sa gitna ng kagalakan, kasiyahan at pagpapakita ng pagkakaisa ng mga pamunuan ng bayan at mga mamamayan.
Sa mga nalikom na pera sa mga pagdiriwang ngmga pista ay inilalagay o ginagamit sa mga proyekto sa kanilang mga bayan at ang mga ito ay naghihikayat ng mga mamamayan sa taon-taong pagtulong sa kanilang bayan Makabukuhan na ang pagdiriwang ng mga pista sa mga bayan at sana ang bawat isa sa atin ay7 bukas ang loob na tumulong sa mga adhikain ng ating mga pamunuan sa mga bayan.
|